Simulan ang pinakamatinding road trip adventure sa buong Bloons universe! Humanda nang sumabak sa mga kapanapanabik na labanan laban sa daan-daang mapanganib na mga Bloon at ilabas ang iyong mga atake sa isang action-packed, roguelike na gameplay.
Mga Pangunahing Tampok:
• Walang-Humpay na Aksyon: Sumabak sa mabilis at survivor-style na gameplay laban sa walang-katapusang bugso ng mga Bloon gamit ang madaling kontrolin at pang-isang kamay na mga pindutan.
• Mga Kilalang Karakter ng Bloons: Maglaro bilang mga malalakas na Hero na may kani-kaniyang natatanging armas at istilo ng paglalaro. Mag-recruit ng iyong mga paboritong Monkey para sumali sa iyong koponan at i-unlock ang kanilang mga kakaibang armas at upgrade.
• Estratehiko at May-Pagpipiliang Gameplay: Maingat na piliin ang iyong mga upgrade sa bawat laro at mag-unlock ng iba't ibang kapangyarihan base sa iyong mga desisyon. Gawing versatile ang iyong mga Monkey sa lahat ng bagay o mag-focus nang malalim sa iisang landas para makahanap ng mga makapangyarihan at epic na armas.
• Walang-Katapusang Paglalaro: Harapin ang mga kapana-panabik at roguelike na mga lebel sa isang malawak at walang-katapusang mapa. Tumuklas ng mga kakaibang engkwentro, astiging power-up, at mga labanan laban sa mga dambuhalang boss. Laruin muli ang mga lebel na may mga espesyal na tuntunin at hamon para sa bago at kakaibang karanasan sa pagpapatok ng mga Bloon sa bawat pagkakataon.
• Mangolekta at Mag-upgrade: Maghanap ng mga pambihirang collectible na laruan para mapataas ang lebel ng iyong mga Hero at mag-unlock ng mga bagong upgrade na babago sa takbo ng laro. Mangolekta ng mga magagandang sticker para palakasin ang iyong koponan gamit ang mga espesyal na boost.
Kaya ba ng Koponan ng mga Monkey Mo na Makaligtas Laban sa mga Bloon?
Na-update noong
Set 25, 2026
*Pinapagana ng teknolohiya ng Intel®